Bayan at Lipunan
Talumpati sa paglunsad ng librong Bayan at Lipunan ni Bienvenido Lumbera noong 30 Enero 2006 sa Unibersidad ng Pilipinas:
Binabati ko ang aking guro at guru na si Ka Bien sa dagdag pang libro sa listahan ng mga napakaraming nailathala na niya. Patunay na naman ang librong ito ng napakalaking papel ni Bien sa larangan ng kritika at kritisismo sa ating bansa. Heto ang aking testimonya sa kanya.
Alam naman ninyo na literary theory ang naging espesyalisasyon ko sa aking doctorado sa
Sa madaling salita, sa pamagitan lamang ng kanyang talino ay natuklasan at sinimulan ni Bien ang pinakabagong uri ng kritikang pinagkakaguluhan ngayon lamang sa mundo. Dahil bobo ang mga kritiko sa ibang bansa dahil hindi sila marunong magbasa ng Tagalog o Filipino, hindi nila alam na huli na pala sila sa balita. Matagal nang uso sa ating bansa ang Postcolonial Theory dahil nabuo na iyon noon pa man ni Bien.
Ayan ang testimonya ko. Sa haba-haba ng prosesyon ko sa iba’t ibang bansa at iba’t ibang kumperensyang may kaugnayan sa kritika, sa silid-aralan at mga libro din pala ni Bien ako tutuloy.
Mabuhay ka, Ka Bien!
3 Comments:
Kamusta po kayo?
Gusto ko lng po sanang humingi ng interpretasyon, pananaw at pagsusuri po sa isang dulang kayo rin po ang sumulat, yung Marjorie po. Sana po ay ako'y inyong pagbigyan. Ako po'y magaaral ni Dr. Ronald Baytan sa Litera1. Ako po si Tanya Ongbin. Salamat po!
Magpost ka ng tanong at susubukin kong sagutin. Madalas, hindi naiintindihan ng isang manunulat ang kanyang sariling sinulat, kaya huwag ka masyadong umasa na may masasabi akong makabuluhan tungkol sa aking dulang Marjorie.
We stumbled over here coming from a different page and thought I should check things out.
I like what I see so now i am following you. Look
forward to going over your web page yet again.
Here is my site GFI Norte
Mag-post ng isang Komento
<< Home