BAYANI NG WIKA 2009
Gagawaran ng Wika sa Kultura at Agham, Inc., (WIKA) ang limang tao na maituturing na Bayani ng Wika dahil sa kanilang katangi-tanging nagawa sa nakaraang taon (2008).
Heto ang mga gagawaran:
1. GURO SA FILIPINO – isang guro sa alinmang level na nagtuturo ng agham, matematika, enhenyeriya, o iba pang sabjek na hindi karaniwang tinuturo sa wikang Filipino. Kailangang maipakita ng nominee sa gawad na ito na siya ay magaling na guro (ang ebidensya ay ang ebalwasyon na ginawa ng kanyang estudyante nitong nakaraang taon).
2. GURO NG FILIPINO – isang guro sa alinmang level na nagtuturo ng sabjek na Filipino, na may ambag na katangi-tanging paraan ng pagtuturo ng wika. Kailangang maipakita ng nominee sa gawad na ito na siya ay magaling na guro (ang ebidensya ay ang ebalwasyon na ginawa ng kanyang estudyante nitong nakaraang taon).
3. MANGANGALAKAL – isang kapitalista, empleyado, o anupamang posisyon o level sa isang kompanya, korporasyon man o sariling kompanya, na katangi-tangi ang gamit ng wikang Filipino sa pang-araw-araw na komunikasyon at sa opisyal na komunikasyon.
4. BLOGGER – isang may blog na nakasulat sa Filipino. Kailangang malinaw na ang blog ay binabago kahit na minsan isang linggo.
5. WEBSAYT – isang may-ari ng websayt na katangi-tangi ang gamit ng wikang Filipino.
Ibibigay ang gawad sa ika-20 ng Agosto, Buwan ng Wika, 2009.
Kung mayroon kayong maimumungkahing bayani ng wika, mangyari po lamang na iemail ang lahat ng dokumento sa amigolibro@ yahoo.com bago ika-31 ng Hulyo, 2009.