Magandang sanaysay tungkol sa pangit na karanasan
Hindi nag-iisa ang sumulat ng sanaysay na nakalakip dito. Marami na akong nakausap na naninirahan sa condo na inapi at patuloy na inaapi ng kanilang mga developer. Maraming developer (hindi ko naman nilalahat) ang umiiwas sa kanilang responsibilidad kapag naibenta na nila ang kanilang mga yunit. Maraming condo sa kamaynilaan na minadali at bulok ang pagkagawa, walang kapwa-tao ang building administrator, at masyadong gamahan sa pera. Kawawa naman ang sumulat ng sanaysay, at kawawa rin ang maraming naninirahan sa condo sa kamaynilaan.
Ang nais kong pansinin ay ang magandang pagkakasulat ng sanaysay. Ang ginamit na balangkas ay batay sa panahon: ikinuwento ang nakaraan mula sa simula, tumuloy sa kasalukuyang pagtatanong, at natatapos sa panlahat na pananaw. Nakaraan, kasalukuyan, at kinabukasan.
Malinaw din ang pagkakasulat. Parang kitang-kita natin ang mga dingding na basa o binakbak at nagsasabog ng lagim sa may sakit na bata. Parang nararamdaman natin ang pangamba ng magulang na mapahamak ang anak hindi lamang sa sakit kundi sa kamay ng mga di-kilalang lalaki. Parang kasama tayong nagmamanikluhod sa building administrator at developer. Parang pati tayong mga mambabasa lamang ay minaliit at itinuring na hayop at hindi tao.
Ang sabi ng mga dakilang manunulat sa mundo, mas mahirap magsulat ng malinaw na sanaysay kaysa masalimuot na sanaysay. Ang sining ng pagsulat ay nasa pagiging hindi parang sining. Nakatulong sa manunulat ang matinding emosyon ng naging karanasan ng paglait, pero hindi sapat ang emosyon na iyan para maging mahusay ang isang panulat. Idinagdag ng manunulat ang galing sa paggamit sa salita, paghawak sa mga teknik ng pagsulat, at ang tamang pagtimpla sa antas (o register) ng wika.
Sayang at kinailangan pang magdusa ang manunulat para maipamahagi sa atin ang ganitong uri ng sanaysay, pero ganyan talaga ang sining. Sa hirap ng iisa ay nagkakaroon ng aliw at liksyon ang nakararami. Binabati ko ang sumulat. Sana'y hindi lamang gumanda ang kanyang buhay sa condo, kundi makasulat pa siya ng iba pang magagandang sanaysay na mapupulutan natin ng aral at aliw.
Narito ang sanaysay:
Condomisyon
Ni Dolores R. Taylan
Unang nailathala sa Ani 33.
MAY IBA’T IBANG DAHILAN kung bakit sinisikap ng isang tao na makamit ang isang bagay kahit gaano man ito kamahal. Kabilang sa mga dahilang ito ang pagkakaroon ng kasiyahan, prestihiyo, kapanatagan ng loob, katiwasayan ng isip, kaginhawahan, seguridad, at iba pa.
Isa sa mga naiibigan ng mga tao sa kasalukuyan, lalo na yaong mga maykaya sa buhay, ang tumira sa condominium. Pinatutunayan ito ng sunod-sunod na pagtatayo at parang kabuteng pagsulpot ng mga condominium sa kahabaan ng Taft Avenue at Vito Cruz. Kahit sabihin pang hindi biro ang presyo ng pagtira sa ganitong lugar, marami pa rin ang bumibili ng unit sa mga condominium sa bahaging ito ng Maynila dahil sa magandang lokasyon nito. Daanan ito ng mga sasakyan, malapit sa mga mall at simbahan, malapit sa LRT station, at sa tatlong malalaking pribado at kilalang unibersidad sa Pilipinas.
Ikinatutuwa ko noon ang naoobserbahan kong pagtatayo ng mga makabago at nagtataasang condominium. “Senyales ng pag-unlad,” sabi ko sarili. Hanggang sa naakit na rin akong bumili ng unit sa isa sa mga bagong tayong condominium sa Taft Avenue.
Kaginhawahan o convenience ang pangunahing dahilan kung bakit ko naisipang tumira sa condominium. Malapit sa eskwelahang pinapasukan ng mga anak kong babae at ng unibesidad na pinagtuturuan ko ang condominium na napili ko. Nang panahong iyon, maselan ko ding ipinagbubuntis ang pang-apat kong anak at nahihirapan na akong magbiyahe mula Laguna paluwas ng Maynila, at mula Maynila pauwi sa Laguna.
Noong unang gabi ng pagtulog namin sa aming unit, naisip ko ang humigit-kumulang dalawang milyong pisong halaga ng aming one-bedroom unit. Ang katumbas pala ng kaginhawahan naming mag-iina ay humigit-kumulang dalawang milyong pisong bubunuin naming bayaran sa loob ng sampung taon. Kaya naman walang-wala sa hinagap ko noon na ang kaginhawahang hinahangad namin sa pagtira sa condominium ay mauuwi sa isang malaking konsumisyon.
Biglang-bigla, ang condominium ay naging isang condomisyon para sa amin.
Nagsimula ang unang pagdanas namin ng konsumisyon nang dumating ang tag-ulan. Kasagsagan noon ng walong buwan kong pagbubuntis. Sino ang mag-aakala na ang tinitirhan naming bagong-bagong condominium ay papasukin ng ulan, hindi sa bintana, kundi sa dingding nito? Pumapasok ang tubig-ulan sa pader. Umaagos ito na parang waterfalls sa dingding ng kwarto. Tuwing bubuhos ang malakas na ulan, nakabantay kami para magpunas ng umaagos na tubig sa pader. Kapag umulan sa magdamag, gising kami para pigilin ang pagkalat ng tubig at pagbaha sa aming sahig. Ang high risk pregnancy kong kondisyon ay lalong pinasama nang halos gabi-gabing pagpupuyat at ng nararamdaman kong pag-aalala at matinding galit.
Nag-aalala ako nang labis sa kalagayan naming mag-iina. Hindi namin naranasang bahain o pasukin ng tubig-ulan sa dati naming bahay sa Laguna. Nag-aalala ako sa mga masisirang gamit sa kwarto lalo na ang bagong sofa bed at kabinet na inaabot ng baha sa sahig. Pareho pang hindi bayad ang mga ito at hinuhulugan ko pa lamang sa aking credit card.
Nagagalit ako pero hindi ko malaman kung kanino ko ibubunton. Sa sarili ko ba dahil naisipan ko pang tumira sa condominium? Sa ulan ba na nagpapabaha sa loob ng unit namin? O sa developer ba ng condominium dahil sa hindi maayos na konstruksyon nito?
Nalaman kong hindi lamang pala ang unit namin ang binabaha tuwing uulan kundi ang iba pang mga unit. Halos araw-araw, tuwing umuulan ay dinadagsa ng mga unit owner ang opisina ng building administrator para magreklamo.
Nang matapos ang tag-ulan, nakatanggap kami ng abiso na mag-aaplay ng water-proof paint sa condominium para hindi na maulit ang pagpasok ng tubig-ulan sa mga unit.
Totoo nga naman, dahil nang sumunod na tag-ulan, wala nang baha sa loob ng kwarto namin at naging matiwasay at mahimbing na ang pagtulog namin sa gabi. Pero hindi ko akalaing may malala pa palang kasunod ang konsumisyon namin.
Kalilipas pa lamang ng ilang buwan nang muli naming maranasang mag-iina ang isa pang kasumpa-sumpang karanasan sa pagtira sa condominium. Nagsimula ito nang ipatawag ako sa opisina ng building administrator para sabihing may leak ang tubo ng tubig namin. Nasa Unit 1117 kami. Tumatagos daw ang leak ng tubig sa Unit 1017 na nasa ibaba ng aming floor. Apektado rin daw ng leak ang lobby ng 9th floor na isang commercial area. Hindi raw namin alam, pero tuwing gagamit kami ng tubig, bumabaha sa unit na nasa ibaba namin at umaabot ang baha hanggang sa 9th floor. Kailangan daw maayos kaagad ang leak dahil nakapeperwisyo ito sa iba.
Kasama ko sa pagbalik sa aming unit ang mga tubero ng condominium para ayusin ang leak. Dahil nakabaon sa semento ang mga tubo ng tubig, hindi malaman ng mga tubero kung saang bahagi naroon ang leak. Para mahanap ang leak, kailangan daw nilang bakbakin ang buong bahagi ng pader na kinababaunan ng tubo mula sa pinto ng aming unit papunta sa kitchen area. Lahat ng lugar sa loob ng unit na dinaanan ng tubo gaya ng loob ng mga kitchen cabinet pati na ang tiles sa ilalim ng lababo sa banyo ay kailangang bakbakin. Nang tanungin ko ang mga tubero kung ilang araw nila ito gagawin, wala silang tiyak na naisagot kundi “matatagalan po, ma’am.” Kasunod ng tugon ang pag-iling-iling ng ulo habang sinasabing, “malaking trabaho po ito.”
Nanlumo ako sa aking narinig. Naisip ko ang kalat na lilikhain sa pagbakbak ng semento, ang paglipad ng alikabok mula sa binabakbak na semento, at ang pagkapit nito sa aming mga gamit na halos lahat ay bago. Naging mabilis ang takbo ng aking isip sa mga oras na iyon. Kahit hindi pa man nasisimulan ang trabaho ay nalalanghap ko na ang amoy ng bagong halong sementong ipapalitada sa mga binakbak na semento kapag nahanap na ang leak, gayundin ang amoy ng pintura kapag nag-repaint na.
Kinilabutan ako nang maisip ko ang kondisyon ng pangatlo kong anak na babae. Hikain ito mula pa sa kanyang pagkabata. Kahit malaki na, madalas pa ring atakihin ng hika ang anak kong ito. Napakalaki ng posibilidad na sumpungin siya ng hika dahil sa alikabok ng semento at sa pinturang malalanghap niya. Bigla akong sinaklot ng matinding pag-aalala. Ilang buwan pa lamang ang nakalilipas mula nang maospital ang anak kong ito dahil sa isang matinding atake ng kanyang hika. Malaking banta sa kanyang kalusugan ang problemang kinakaharap namin dahil sa leak ng tubo sa aming unit.
Naisip ko rin ang bunso kong anak, dalawang taon ito at nasa kalikutang hindi maawat. Sa isip ko’y sinasagap din niyang lahat ang alikabok mula sa malaking trabahong gagawin sa loob ng unit namin. Gusto kong manlumo at panawan ng lakas at ulirat sa nakaamba na namang konsumisyon naming mag-iina.
Ngunit dahil alam kong kailangan talagang maayos ang leak sapagkat may napeperwisyo na itong unit owner, pumayag akong magtrabaho sa loob ng unit namin sa kahilingang tutulungan ako ng developer na sagutin ang pagpapagamot sa anak ko kung sakaling sumpungin siya ng asthma. Pero sa sarili ko’y nananalangin akong huwag naman sanang mangyari dahil nadudurog ang puso ko sa awa sa anak ko kapag sinusumpong siya ng sakit na ito.
Hindi pumayag ang developer sa hiling ko. Sa halip, pinadalhan ako ng sulat na ang nakapirma ay ang building administrator. Nakasaad sa sulat na “kung talagang may banta sa kalusugan ng aking anak ang pagtratrabaho sa loob ng unit namin, pansamantala kaming makakalipat sa dormitoryo o kaya ay sa hotel ng condominium ngunit kailangang magbayad kami.” Hindi binanggit sa sulat kung magkano ang sisingilin sa amin sa hotel pero discounted naman daw ang presyo, pribelehiyo ko bilang unit owner. Kung sa dormitoryo naman kami pansamantalang titigil, nakasaad sa sulat na magbabayad ako ng P300 bawat tao sa isang araw. Anim kaming lahat kasama ang isang kasambahay kaya alam kong malaking halaga ang aabutin kung tatagal ng isang linggo ang trabaho gaya ng nakasaad sa sulat.
Sa pagkakataong ito, ako naman ang hindi pumayag dahil naniniwala akong responsibilidad ng developer na bigyan kami ng pansamantalang matitigilan nang walang bayad. Ayaw kong magbayad sapagkat para sa akin, dalawa lang ang maaaring dahilan kung bakit may leak ang tubo na hindi naman nagagalaw sa loob ng sementong kinababaunan nito. Una, poor workmanship o poor building construction. Pangalawa, maaaring substandard ang materyales na ginamit kaya nag-leak kaagad ang mga tubo nito. Para sa akin, alin man sa dalawang ito ang dahilan ay wala kaming kasalanan kaya dapat lamang na tulungan kami ng developer sa aming kalagayan.
Sa pamamagitan ng building administrator ay ipinarating ko sa developer ng condominium na masisimulan nila anumang oras ang pagtratrabaho sa loob ng unit namin kung pagbibigyan nila ang una kong hiling tungkol sa medikasyon ng anak ko o kung ililipat nila kami sa ibang unit o kahit sa dormitoryo nang wala kaming anumang babayaran. Hindi ako pinakinggan ng developer, alinman sa dalawang hiling ko ay ayaw nilang ipagkaloob sa amin.
Muli kaming nakatanggap ng sulat mula sa building administrator. Sa pagkakataong ito, nakasaad naman sa sulat na “dahil ayaw kong pumayag na masimulan na ang pagtratrabaho sa loob ng aming unit ay puputulan nila kami ng tubig.“ Totoo nga. Pagkatanggap na pagkatanggap namin ng sulat ay putol na ang aming tubig. Hindi man lang kami binigyan ng pagkakataong makapag-igib para may magamit kami kahit para sa araw lamang na iyon. O kahit panluto lamang namin at pantimpla ng gatas ng bunso kong anak. Nakiusap ako sa building administrator na hayaan kaming makaigib kahit na sa loob ng isang oras lamang. Sinabi ko sa kanya na kung basta na lang niya kami puputulan ng tubig ay para na rin niya kami biglang pinatay. Nakiusap din sa kanya ang dalawa kong anak na dalaga. Subalit kahit anong pakiusap namin, nagmatigas pa rin ang building administrator na huwag kaming bigyan ng tubig. Nakakainsulto pang sinabi sa dalawa kong anak na ang banyo na lang sa 9th Floor ang gamitin nila kung kailangan nilang maligo o gumamit nito. Bukod sa commercial area ang 9th floor, naroon din ang barracks ng mga lalaking manggagawa ng condominium. Hindi yata naiintindihan ng building administrator ang kanyang sinasabi. Hindi yata niya nauunawaan na maaaring ikapahamak ng mga anak ko ang paggamit ng banyo sa 9th floor.
Nang malaman ng ilang kapwa ko guro sa unibersidad na pinagtuturuan ko na mga unit owner din sa nasabing condominium ang nangyari sa amin, tinulungan nila akong makiusap sa building administrator. Abogado ang isa sa kanila na nagsabing inhuman at grave coercion ang aksyong ito laban sa amin. Subalit nagmatigas pa rin sa kanyang desisyon ang building administrator. Sa halip na pakinggan ang aming pakiusap, iniutos pa niyang lagyan ng lock ang metro ng aming tubig para masigurong hindi namin ito mabubuksan at hindi talaga kami magkakaroon ng tubig. Dito na ako halos maiyak dahil sa nararamdaman kong galit sa walang pusong building administrator at dahil sa awa sa aking sarili at sa aking mga anak.
Nang mga sandaling iyon, naisip kong ang paglagay ng lock sa metro ng aming tubig ay hindi na basta usapin lamang ng leak sa aming tubo. Usapin na ito ng pagmamaliit sa aming pagkatao at ng tahasang pagpapakita ng kawalan ng pagtitiwala sa amin. Bakit kailangan pang lagyan ng lock ang metro ng tubig namin? Magnanakaw ba kami na “nanakawin” ang sarili naming tubig? O para ba pahirapan talaga kami? O para ba ipamukha sa amin ng building administrator ang kanyang kapangyarihang alisan kami ng tubig na napakaimportante sa buhay ng kahit sinong tao? Tubig na hindi naman namin basta hinihingi lamang kundi binabayaran namin buwan-buwan?
Marami namang unit owner ang nagmagandang loob sa amin na pag-igibin kami ng tubig at pagamitin kami ng kanilang banyo.
Tatlong araw pa ang lumipas, napilitan na akong tumawag sa aking asawang nagtatrabaho sa Saudi Arabia para ikwento sa kanya ang nangyari. Noong una’y nagdesisyon akong huwag na sanang paratingin sa kanya ang bagay na ito para hindi na siya mag-aalaala pa sa amin subalit nagbago ang isip ko sapagkat bilang ama at asawa, may karapatan siyang malaman ang mga nangyayari sa amin. Matapos marinig ang aking kwento, pinayuhan niya akong hayaan ko nang maayos ang leak sa unit namin para hindi na kami patuloy pang magmukhang kawawang mag-iina na nakikiigib at nakikigamit ng banyo sa ibang unit. At para hindi na rin daw siya mag-alala nang labis sa aming mag-iina.
Sa bandang huli, nagdesisyon akong payagan na rin ang pagtratrabaho sa aming unit kahit wala kaming ano mang matatanggap na probisyon sa developer ng condominium at kahit na masamang-masama ang loob ko sa hindi makatwiran at makataong pagtrato sa aming mag-iina ng building administrator. Pumayag ako alang-alang sa pakiusap ng aking asawa at para na rin sa kapakanan ng mga anak kong hindi man nagrereklamo ay alam kong nahihirapan na rin sa aming sitwasyon
Matapos kong paratingin sa Building Administrator ang aking desisyon, personal niya akong pinuntahan para papirmahan sa akin ang isang sulat-kasunduan na nagsasabing “pinapayagan ko ang pagtratrabaho sa aming unit at pumapayag akong bayarang lahat ang gastos sa nasabing trabaho pati na ang gastos sa lahat ng materyales na ginamit kapag natapos na ito."
Mabilis na umakyat ang dugo sa ulo ko. Nakaramdam ako ng matinding galit ngunit nagawa ko pa ring makapagtimpi.
Tumanggi akong pirmahan ang sulat. Sinabi ko sa kaharap ko na idemanda na lang ako ng developer ng condominium pero hindi ko maaatim na magbayad sa isang bagay na sa paniniwala ko ay hindi ko naman kagagawan o kasalanan. Ipinaliwanag ko sa kanya na nang masira ang aming door knob, ang gripo sa lababo, ang shower, at ang kitchen door cabinet, ako ang bumili ng ipapalit sa mga ito at ako rin ang nagbayad sa mga taong nag-ayos ng mga ito dahil alam kong responsibilidad ko ito at dahil alam kong kami ang nakasira sa mga ito. Pero ang magbayad sa leak ng tubo na hindi naman namin nakikita ni nahahawakan ay hindi ko gagawin.
Nang mga sandaling iyon, nasa isip ko rin ang kapakanan ng iba pang unit owners. Ayokong magbayad dahil ayokong kapag may iba pang unit owners na nakaranas din ng aming problema ay sisingilin din sila at ako ang gagawing halimbawa ng developer dahil nagbayad ako.
Iginiit pa rin ng building administrator na pirmahan ko ang sulat dahil hindi masisimulan ang paghahanap ng leak sa aming unit hanggat hindi ko inaako ang lahat ng gastos nito. Pinanindigan ko ang aking desisyong huwag pumirma sa anumang kasunduan. Isang mahabang diskusyon pa ang namagitan sa amin ng building administrator bago siya nagpasyang iwan ako at bumalik na lang sa kanyang opisina.
Makalipas ang isang oras, tinawagan naman ako sa telepono ng building administrator para sabihing kung ayaw kong pirmahan ang sulat, magbigay na lang ako ng advance payment para sa gagawing trabaho. Tumanggi akong muli. Inulit ko sa building administrator ang aking posisyon—pumapayag akong magsagawa ng trabaho sa unit namin anumang oras at araw nila naisin, pero hindi ako pipirma sa isang kasunduan na nagsasabing babayaran ko ang lahat ng gastos sa gagawing pagtratrabaho at lalong hindi ako magbibigay ng advance payment. Nasa kanila na ang desisyon kung itutuloy nila ang pagtratrabaho o hindi. Samantala, sabi ko sa kanya, tuloy pa rin ang buhay naming mag-iina. Pipilitin pa rin naming maging masaya at mabuhay nang normal sa kabila ng abnormal naming kalagayan. Nakakasanayan naman pala ang mabuhay nang wala kang sariling tubig, ang nakikiigib ka, at nakikigamit ng banyo ng iba lalo pa nga at bukal naman sa loob ang pagtulong sa amin ng ilang unit owner na kaibigan at kasama sa trabaho.
Ilang oras pa ang lumipas, tinawagan akong muli ng building administrator para sabihing sisimulan na sa araw ding iyon ang paghanap sa leak sa aming unit. Nilinaw niya sa akin na hindi kami palilipatin sa ibang bakanteng unit o sa dormitoryo habang isinasagawa ang pagtratrabaho sa unit namin at hindi kami sisingilin sa gastos.
Ilang sandali pa matapos ang aming pag-uusap, dumating ang apat na tubero sa aming unit para simulan ang trabaho. Wala na akong lakas para tumutol pa. Inisip ko na lamang ang asawa kong nasa malayo at nag-aalala sa amin at ang mga anak kong matagal na ring nagtitiis sa hirap ng aming sitwasyon.
Ang pagsisimula ng trabaho ay maagang pagsisimula ng kunsumisyon namin dahil sa kalat, alikabok, at masakit sa ulong ingay ng kabi-kabilang pagpukpok sa sementong tinitibag.
Mahigit isang linggo din akong hindi nakatulog dahil sa problemang ito. Mahigit isang linggong na-stress, na-harass, nag-alala, nagalit, sumakit ang ulo, at ang buong katawan. Nalagay sa panganib ang kalusugan ng anak kong babae at ang bunso ay ilang araw ding hindi nakatulog sa hapon dahil sa ingay.
Pero wala na yatang sasakit pa na malaman mula sa mga tubero na walang leak ang tubo namin. Hindi sa tubo nanggagaling ang leak kundi sa bath tub. Nang matuklasan ng mga tubero na walang leak ang lahat ng aming tubo, binakbak nila ang bath tub at doon nila nakita ang leak.
Ayon sa mga tubero, maraming unit na ang nagli-leak ang mga bath tub sa aming condominium. At sa kaso namin, puwede sanang hindi na binakbak ang malaking bahagi ng aming unit kung nauna lamang nilang tiningnan ang bath tub dahil marami na palang kaso ng leak sa ibang unit na bath tub ang pinanggagalingan. Madaling natapos ang pagsasaayos ng leak sa aming bath tub ngunit hindi ang panunumbalik ng dating itsura ng aming unit. Ilang linggo na ang nagdaan subait hindi pa rin pinapipinturahan ng building administrator ang sementong binakbak sa loob ng aming unit. Kung hindi ko pa ito ilang ulit na pinakiusapan ay hindi pa mababalik sa dati ang loob ng unit namin.
Sa kabila ng mga naranasan namin, kahit paano ay may natutuhan din akong mahahalagang bagay mula rito. Natutuhan kong isipin ang ilang importanteng bagay na binalewala ko noon at hindi ko man lang inisip o isinaalang-alang bago ako bumili ng condominium unit. Kung noon ay ikinatutuwa ko lamang ang parang kabuteng pagsulpot ng mga condominium sa kahabaan ng Taft Avenue at sa mga katabing lugar nito, ngayon ay nagdudulot na ito sa akin ng mga pangamba at agam-agam. Maraming tanong ang hinahanapan ko ngayon ng mga kongkretong kasagutan. Mga tanong na noon ay hindi man lamang sumagi sa aking isipan.
May proteksyon bang ipinagkakaloob ang mga condominium developer sa mga unit owner? Kung mayroon, hanggang saan ang saklaw ng proteksyong ito? Bakit may developer na sa halip na proteksyunan at pangalagaan ang kapakanan ng unit owner ay sila pa ang unang-unang gumigipit dito? Kung sakaling dumating ang problemang kagaya ng naranasan namin, gaano kahandang magbigay ng tulong o probisyon ang developer para hindi maisakripisyo ang convenience at privacy ng apektadong unit owner at ng kanyang pamilya? May sapat bang kagamitang nakahanda ang developer para sa pag-alam ng pinanggagalingan ng problema? Halimbawa, sa kaso namin, dalawang engineers ang nagsabi na kung may leak detector lamang sana ang condominium, nalaman sana kaagad na walang leak ang tubo namin at nalaman din kaagad na ang bath tub ang may leak. Naiwasan din sana ang malaking problemang naranasan namin. Kaya lamang, nang tanungin ko ang building administrator kung may leak detector ba sila, ang sagot niya sa akin ay wala dahil high-tech equipment daw ito at ginagamit lamang sa malalaking planta. Nagulat ako sa sagot na aking narinig. Sinabi ko sa kanya na dapat mayroon nito ang condominium dahil sa dumaraming kaso ng leak sa iba pang unit. At dahil hindi lamang ang condominium na tinitirhan namin ang pagmamay-ari ng developer.
Naging palaisipan din sa akin kung kanino ba dapat maghain ng reklamo ang mga unit owner kapag may ipinangako ang developer na hindi natupad at wala man lang paliwanag tungkol dito, gaya ng ipinangako ng aming developer na magkakaroon ng children’s playground sa 9th floor ng condominium pero hanggang ngayon, ang pangakong ito ay patuloy na napapako. Idagdag na rin ang iba pang problema gaya ng mga basag na floor tiles sa loob ng ilang unit, magkaibang kulay ng bathroom tiles, elevators na laging under repair, mga crack sa dingding, at mga insidente ng nakawan.
Naitanong ko ang mga tanong na noon ay hindi ko man lamang naisip. May fire exit ba ang mga condominium? May nakahanda bang mga fire extinguisher na magagamit habang wala pang bumbero kung sakaling magkaroon ng sunog? Gaano katatag o katibay ang pagkakagawa ng isang condominium na makakaya nitong lumaban sa isang malakas na lindol? May proteksyon ba ang mga unit owner sa panggigipit ng mismong developer? Kanino sila hihingi ng proteksyon? May seguridad ba sila laban sa masasamang loob na nakapapasok sa condominium nang hindi napapansin ng mga guardya? Naaaksyunan ba kaagad ng developer ang pagsasaayos o pagre-repair ng mga sirang pasilidad?
Noong bigla na lamang kaming putulan ng tubig, naisip kong idemanda ang developer at ang building administrator kaya kumunsulta ako sa isang abogado para humingi ng tulong dahil alam kong mali ang aksyong ito laban sa amin. Mahusay magpaliwanag ang abogadong kausap ko, kaya lamang, pinaghahanda niya agad ako ng tatlumpung libong piso. Nang tanungin ko siya kung bakit ganoon kalaki ang kakailanganing halaga, sinabi niya na kailangang “lagyan” namin ang judge na hahawak ng aming kaso para raw mapabilis ang paglalabas ng TRO at maikabit agad ang pinutol naming tubig. Idinagdag pa niya na sa pag-usad ng aming kaso, malaking halaga pa ang kailangan kong paghandaan. Kakailanganin ko ring maglaan ng aking oras at panahon para sa mga hearing. Marami pa siyang ipinaliwanag na para sa akin ay iisa lang ang ibig sabihin—mahirap magdemanda, mahabang proseso ito na uubos ng aking pera at panahon, at sa bandang huli, kahit na malaki ang laban ko, pwede pa rin akong matalo sa kaso kung sakaling “malagyan” ng developer ang judge na hahawak sa aming kaso.
Kahit alam kong nangyayari talaga sa realidad ang mga bagay na aking narinig, hindi ko pa rin maiwasang manlumo. Sa bibig na mismo ng isang abogado ko narinig ang bulok na sistema ng hustiya sa Pilipinas. Muli, isang aral ito na natutuhan ko mula sa karanasan naming ito. Sa mga oras ng kagipitan at kawalan ng katarungan, mahirap umasa sa tulong ng iba lalo na’t maraming nagsasamantala sa gipit na kalagayan ng kanilang kapwa. Kaya nga mahirap sisihin ang mga taong naglalagay ng batas sa sarili nilang kamay .
Inisip ko ring ilapit sa media ang nangyari sa amin dahil nakikita kong ang nararanasan namin ay maaaring maging isang pambansang isyu at maaaring maging isang makabuluhang paksa para sa isang imbestigasyon. Naniniwala akong kasabay ng pagsulpot ng maraming condominium sa Maynila at sa iba pang karatig-lunsod nito ay kasabay din ng pagsulpot ng maraming problema sa panig ng mga unit owner gaya ko. Subalit ang balak kong ito ay pinigil ng isang kaibigang unit owner din. Nag-aalala siya na kapag lumabas sa media ang kasong ito, hihina ang sales aming condominium at kami din ang maaapektuhan.
Sa panahon ng katindihan ng galit ko sa developer at sa building admistrator dahil sa di-makataong pagtrato nila sa amin, nanalangin ako na sana, maranasan din nila ang lahat ng hirap ng katawan at sama ng loob na ipinadama nila sa akin at sa aking mga anak. Na sana, sila naman ang dapuan ng sakit na asthma sampu ng kanilang mga kamag-anakan at buong pamilya.
Pero ngayon, iba na ang ipinagdarasal ko. Ipinagdarasal ko na sana, wala nang pamilya pang sumunod sa amin na mabiktima ng di-makatao at di-makatarungang pagtrato. At sana, matutuhan ng mga developer na harapin ang kanilang responsibilidad sa kanilang mga unit owner.
Maunawaan sana nila na hindi lamang ang building ang dapat nilang proteksyunan kundi ang kapakanan ng mga unit owner na kagaya namin sapagkat kami ay hindi gawa sa bato at semento, kundi gawa sa dugo at laman, sapagkat kami ay TAO.
8 Comments:
Salamat sa inyong magandang padadalaysay ukos sa inyong karanasan. Madami akong natutunan dito tungkol sa condo.
arrielle p
доходы Бюджета Включают заработок В Соц Сетях порядок Признания Доходов И Расходов средний Заработок Для Службы Занятости заработок В Нижнем Новгороде [b][url=http://plusdruga.ru/]заработок webmoney[/url] [/b] доходы Расходы И Финансовые Результаты
[b][url=http://shtukarus.mg-s.biz]как стать богатым просто так[/url] [/b] работа В 14 Лет В Интернете как Стать Богатым Правил Нлп уменьшение Доходов [b][url=http://gold-million.ru]как стать счастливым и богатым[/url] [/b] среднего Месячного Заработка начисление Заработка заработок На Порно
____________________________
http://rcnit.os.kz/forum/viewtopic.php?p=76172#76172
http://forum.shentala.ru/viewtopic.php?f=2&t=14499
http://ipucomp.ru/2012-02-17-10-18-20?func=view&catid=2&id=5495#5495
http://forum.ch.ua/index.php?/topic/5851-%d0%b1%d1%8b%d1%81%d1%82%d1%80%d1%8b%d0%b9-%d1%81%d0%bf%d0%be%d1%81%d0%be%d0%b1-%d0%b7%d0%b0%d1%80%d0%b0%d0%b1%d0%be%d1%82%d0%b0%d1%82%d1%8c-%d0%be%d0%bd%d0%bb%d0%b0%d0%b9%d0%bd/
background check on russian dating http://loveepicentre.com/taketour.php life style adult dating
zyprexa 5 mg bijsluiter
[url=http://www.jnf.nl/swf/log/1/buy-lopid.html]buy lopid[/url]
amaryl 4 mg cena
celexa 60 mg reviews
proscar (5mg)prix
http://www.jnf.nl/swf/log/31/buy-motrin-infant-drops.html
ford f150 tech manual ebook http://audiobooksplanet.co.uk/de/Eagle/m32991/ gary bromley ebook torrent [url=http://audiobooksplanet.co.uk/it/authors/?letter=Oa]starman's son ebook[/url] computability and complexity homer ebook
dvd r software 6.0 revision http://buyoem.co.uk/category-2/Business?page=14 telecom rebilling software [url=http://buyoem.co.uk/it/category-100-107/Programmazione-e-creazione?page=4]dvd mp4 software archos[/url] bestanden recovery software
[url=http://buyoem.co.uk/es/contact]Contacte con Nosotros - Cheap Legal OEM Software, Software Sale, Download OEM[/url] paper tiger software discount
[url=http://buyoem.co.uk/product-37170/VeryDOC-PowerPoint-Converter-2-0][img]http://buyoem.co.uk/image/7.gif[/img][/url]
[url=http://englandpharmacy.co.uk/products/decadron.htm][img]http://onlinemedistore.com/4.jpg[/img][/url]
undergraduated pharmacy continuing professional development http://englandpharmacy.co.uk/products/rhinocort.htm rx pharmacy cc [url=http://englandpharmacy.co.uk/products/diclofenac-gel.htm]responsibilities of a pharmacy tech[/url]
french pharmacy http://englandpharmacy.co.uk/products/ilosone.htm stroud compounding and wellness pharmacy [url=http://englandpharmacy.co.uk/products/doxazosin.htm]doxazosin[/url]
tarceva florida pharmacy http://englandpharmacy.co.uk/products/rogaine-5-.htm kilgore pharmacy columbia mo [url=http://englandpharmacy.co.uk/products/ponstel.htm]lvn pharmacy ceu online[/url]
top pharmacy school http://englandpharmacy.co.uk/products/lanoxin.htm how to become a pharmacy technician in florida [url=http://englandpharmacy.co.uk/products/flovent.htm]flovent[/url]
anderson cooper dating http://loveepicentre.com/faq/ dating sites separated
best herpes dating site [url=http://loveepicentre.com/advice/]true adult dating[/url] free adult dating site uk
seniors dating nc charlotte [url=http://loveepicentre.com/taketour/]dating for professionals uk[/url] hirsute dating personals [url=http://loveepicentre.com/user/russian/]russian[/url] international dating website reviews
Mag-post ng isang Komento
<< Home