Mula sa mga tagasuporta ni Noynoy Aquino
Sino ang Pangulo na magpapaunlad sa ekonomiya natin?
Naniniwala kami na ang tunay na dahilan kung bakit mabagal ang takbo ng ating ekonomiya at kung bakit hindi nasasagot ang matitinding pangangailangan ng ating mga kababayan ay ang kapalpakan ng pamamahala ng kasalukuyang gobyerno.
Bakit palpak ang ating gobyerno sa larangan ng ekonomiya? Dahil lagi nitong nilalabag ang ating mga batas. Dahil maraming taong nagdurusa kapag hindi sinusunod ang batas. Dahil wala itong malasakit sa mga taong naaapi kapag hindi ipinatutupad ang batas.
Makikita ito sa lahat ng larangan. Halimbawa’y walang kabusugan ang korupsyon ng mga nasa poder. Walang hiyang nilalagay sa matataas na posisyon ang mga taong walang karapatan o kakayahang mamuno sa mga ahensiya ng gobyerno. Pinaupo lamang sila dahil kampi sila sa mga nasa poder. Binabalewala ang nakasulat at nais pairalin ng ating Saligang Batas. Nagkukunwaring hindi nangyayari ang mga krimen at karahasang ginagawa ng mga armadong grupong kampi sa kanila. Hindi inuusig o pinarurusahan ang mga nagsasamantala at nangungurakot na kaibigan nila.
Sa palagay namin, ang pangunahing dahilan kung bakit nahihirapan ang ating ekonomiya ay ang dambuhalang korupsyon.
Dahil sa korupsyon, hindi nasisingil ng gobyerno ang tamang buwis, prankisa, at royalty. Hindi nabibigyan ng pondo ang dapat sanang mabigyan. Pati mga matinong panukala ng gobyerno ay nawawalan ng saysay. Binabaluktot ng mga kaibigan ng nasa poder ang mga alituntunin at patakaran ng gobyerno para kumita sila. Yumayaman ang mga kaibigan ng nasa poder kahit na hindi naman sila nagtatrabaho nang marangal. Wala tuloy naiiwang pera para sa mga kalye, kuryente, tubig, at iba pang kinakailangan ng negosyo.
Dahil sa korupsyon, kulang ang pera para sa pananaliksik, edukasyon, medisina, at ospital. Ang laki sana ng tulong na maibibigay ng mga ito para makaahon ang nakararaming kababayan natin sa kahirapan. Malinaw na walang intensiyon ang kasalukuyang gobyerno na palaguin ang matinong negosyo. Matinong negosyo lamang ang makapagbibigay ng marangal na trabaho sa marami nating naghihirap na kababayan.
Hindi natin masisisi ang mga negosyanteng Filipino man o banyaga na natatakot mamuhunan sa ating bansa. Maraming beses na kasi silang nalugi at naloko dahil sa pabago-bagong regulasyon ng gobyerno at dahil sa malinaw na pagpabor sa mga kaibigan ng nasa poder.
Ang kapalpakan ng gobyerno at ang kahinaan ng mga ahensya ng gobyerno ang dahilan kung bakit mabagal ang pag-unlad ng ekonomiya. Ito ang dahilan kung bakit napakaraming mahihirap sa ating bansa. Ito ang dahilan kung bakit napakalaki ng utang ng ating gobyerno. Ipamamana natin sa ating mga anak at apo ang mga inutang ng kasalukuyang gobyerno; ang kasalukuyang gobyerno ang umutang pero ang mga anak at apo natin ang magbabayad. Ito ang dahilan kung bakit nawalan na ng tiwala ang taumbayan sa ating gobyerno.
Malinaw ang relasyon ng isyu ng korupsyon ng gobyerno sa paghihirap ng marami nating kababayan. Kung hindi matitigil ang korupsyon ay patuloy na lulubog ang ating ekonomiya.
Sa Mayo ay may pagkakataon tayong lahat na malutas ang malubhang problema ng korupsyon. Sa eleksyon ng bagong Pangulo ay maaari nating baguhin ang takbo ng ating kasaysayan, ng ating ekonomiya, at ng ating sariling buhay. Kailangan nating sabay-sabay na linisin ang gobyerno at alisin ang korupsyon, maaksayang paggastos, pagpabor sa mga kaibigan, at palpak na pamamalakad ng kasalukuyang administrasyon. Kailangang hindi magpatuloy ang pagbabalewala ng gobyerno sa mga nakakasira sa ating ekonomiya.
Naniniwala kami na, sa lahat ng mga tumatakbo bilang Pangulo, si Senador Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III ang makapagpapatupad ng ating pangarap na magbabago ang takbo ng gobyerno at ng ating ekonomiya.
Hindi siya tulad ng iba na laway lamang at salita ang inaalok sa ating mga botante. Ang kanyang inaalok sa atin ay malinis na pagkatao at matatag na paninindigan. Makikita natin sa kanyang nagawa na bilang kongresista at senador ang kanyang pagiging mahusay, tapat, at matapang na pamumuno. Inalay niya at inaalay niya ang kanyang buhay para mabago ang takbo ng ating gobyerno, para magbago ang ating pagtingin at pakikipag-ugnayan sa gobyerno.
Malinaw na nasa isip at puso niya ang mga hakbang na kailangan ng ating ekonomiya para ito’y umunlad: magbibigay siya ng hanapbuhay sa mga mahihirap para hindi masyadong malaki ang agwat nila sa mayayaman; proprotektahan niya ang ating mga kababayang nagtatrabaho sa ibang bansa para maging malinaw sa mga negosyanteng banyaga na magandang magtayo ng negosyo sa ating bansa; lulutasin niya ang mga problema sa krimen at seguridad para hindi matakot ang mga negosyante; ipatutupad niya ang mga batas para maging patas ang kompetisyon at hindi makalalamang ang kanyang mga kaibigan at kakampi.
Nakasandal ang programa ni Senador “Noynoy” Aquino sa mga prinsipyong etikal o makatarungan, tulad ng patas na pagpapatupad ng mga batas at pagkinig sa mga hinaing ng ating mga kababayan.
Panahon na para magkaroon na naman ang ating bansa ng isang Pangulong may diwa ng kabayanihan at katapatan na nasa kalooban ng bawat Filipino. Naniniwala kami na ang Pangulong ito na kailangan ng ating bansa sa panahong ito ay si Senador “Noynoy” Aquino.
Ang mga lumagda na kasama sa kampanya ni Senador “Noynoy” Aquino:
Michael Alba, dating Dean, College of Economics and Business, De La Salle University (michael.alba@gmail.com)
Fernando Aldaba, dating Chairperson, Department of Economics, Ateneo de Manila University (naldaba@gmail.com)
Filomeno Sta. Ana III, National Coordinator, Action for Economic Reforms (filomenoiii@yahoo.com)
Ang mga lumagda na ekonomista na sumusuporta kay Senador “Noynoy” Aquino (NCR):
1. Cayetano Paderanga Ph.D.
2. Raul Fabella Ph.D.
3. Mryna Austria Ph.D.
4. Edita Tan Ph.D.
5. Vicente Paqueo Ph.D.
6. Teresa Jayme-Ho Ph.D.
7. Germelino Bautista Ph.D.
8. Ma. Socorro Gochoco-Bautista Ph.D.
9. Gilberto Llanto Ph.D.
10. Erlinda Medalla Ph.D.
11. Gwedolyn Tecson Ph.D.
12. Ernesto Pernia Ph.D.
13. Leonardo Lanzona Jr. Ph.D.
14. Fidelina Natividad Carlos Ph.D.
15. Carlos Bautista Ph.D.
16. Edsel Beja, Jr. Ph.D.
17. Emmanuel Esguerra Ph. D
18. Ruperto Majuca Ph.D.
19. Melanie Milo Ph.D.
20. Jose Ramon Albert Ph.D.
21. Rhoelano Briones Ph.D.
22. Rafaelita M. Aldaba Ph.D.
23. Rosalina Tan Ph.D.
24. Danilo Israel Ph.D.
25. Rouselle Lavado Ph.D.
26. Gerardo Largoza Ph.D.
27. Stella Quimbo Ph.D.
28. Ma. Joy Abrenica Ph.D.
29. Eduardo Gonzales Ph.D.
30. Danilo Venida
31. Allan Borreo
32. Alexander Narciso
33. Meldin Al. G. Roy
34. Jessica Cantos-Reyes
35. Joseph Francia
36. Emilio Neri Jr.
37. Cristina Bautista
38. Philip Arnold Tuano
39. Romelia Neri
40. Reuel Hermoso
41. Joselito Sescon
42. Marilou Perez
43. Paolo Jose Mutuc
44. Sarah Grace See
45. Ramon Fernan
46. Ernest Leung